click hereto read the two new articles.
Seryoso na rin sina KIM DE LOS SANTOS at DINO GUEVARRA
sa kanilang relasyon. Kahit wala pang umaamin sa kanila ng tunay na
relasyon pero malakas nga ang bulung-bulungan na magsyota na sina Kim at
Dino.
Ngayong araw na ito (March 25) ang dating ng daddy ni Kim mula sa
Amerika. Nakatakdang umattend ng graduation ni Kim sa highschool ang
kanyang daddy on March 28, na araw din ng first grand fans day ng bumubuo
ng Viva Teen Barkada.
More than a year na hindi nakita ni Kim ang kanyang daddy at
excited na siyang mayakap uli ito. Natatakot lang si Kim sa magiging
reaksyon ng kanyang daddy kapag ipinakilala na niya si Dino bilang
manliligaw.
Sa nakita namin, magugustuhan ng daddy ni Kim si Dino. Alam din
naming sincere ang binata sa panliligaw kay kim. Kaya walang dahilan para
hindi ito magustuhan ng daddy ni Kim.
Sina kim at Dino ay isa sa Viva Teen Barkada na inilunsad via the
movie Honey, My Love, So sweet ng Viva Films.
ni Lito Mañago
ng teen Movie Magazine
Excited na si KIM DE LOS SANTOS dahil bukod sa maganda
ang takbo ng kanyang career, she'll be graduating from high School sa
March 25 at darating nga ang Daddy niya from the States to attend her
graduation.
"Medyo mahirap nga dahil panay na ang mga exams ko, pero nandoon
iyong may fulfillment ka dahil kahit nagtratrabahao ako, nakaya ko pa ring
makapagtapos ng high school," sabi ni Kim.
"Kumuha na ako ng entrance examinations sa UP at UST. Hindi ako
nakapasa sa EP, hindi naman bagsak dahil 80 plus pa rin ang nakuha ko kaya
lamang sa dami ng kumuha, we're over 1,000 applicants at hindi ako
nakaabot doon sa quota na kailangan nila. Sa UST ay wala pang resulta.
"Gusto kong kumuha ng Mass Communications, iyong hindi malayo dito
sa trabaho ko ngayon."
Hindi ba niya naiisip na makakatapos siya, pero si Dino ay hindi
naman nag-aaral?
"Ako, sinabi ko sa kanyang bumalik siya sa pag-aaral. Sabi ko
kailangan niyang mag-aral dahil darating din ang panahon na kahit may kaya
siya ay hindi niya kailangan ang magtrabaho nang magtrabaho, o kahit may
naipon na siya sa mga kinita niya sa showbiz, iba pa rin iyong may natapos.
Paano kung magkaasawa siya at magkaanak at tanungin siya ng anak niya kung
ano ang natapos niyang kurso at wala siyang maisagot, baka sabihan din
siya ng anak niya na hindi na rin ako magaaral dahil kahit ikaw pala ay
hindi rin nakapagaral.
"At saka sa akin, may hangganan itong trabaho namin, hindi tulad
ng pagaaral, dala mo iyan hanggang sa mamatay ka na. Saka self-fulfillment
din iyong nagtratrabaho ka na, nakatapos ka pang mag-aral. Sabi niya, sige
raw, pipilitin niya next school year na makapagaral na siya."
Tinanong namin si Kim kung alam na ng daddy niya ang panliligaw ni
Dino sa kanya ngayong darating na siya para nga magattend ng kanyang
graduation.
"Darating nga siya sa March 21 at ewan ko kung alam niyang
nanliligaw na si Dino sa akin. Hindi ko pa sinasabi sa kanya, pero palagay
ko, may alam na rin siya, pero hindi pa siya pabor talaga. Ako kasi bunso,
kaya ang feeling ng daddy, ako ang little baby niya ako kaya walang
puwedeng umagaw sa akin."
Paano kung sabihin ng daddy niya ayaw pa nitong paligawan siya at
lalong ayaw nitong makipag-boyfriend siya?
"Palagay ko, susundin ko ang daddy ko. Syempre, kailangan kong
galangin ang desisyon niya. Saka okey na naman kami ni Dino nang ganito,
hindi naman namin siguro dapat madaliin. Kung dumating man ang pagkakataon
na bago ako dumating ng 21 at nareallize ng daddy ko na puwede na pala
akong makipag-boyfriend kasi kahit papaano, responsable naman ako, at
nagaral pa rin ako, kung makita niya iyon, mas maganda di ba?"
Natatakot daw si Dino at ayaw niyang magpakita rito?
"Natatakot siya? Siyempre, ang daddy ko, maraming naririnig
tungkol sa kanya baka mamaya, dahil malaman niya siya ang close sa akin,
eh iyon ang sabihiin niya sa akin. Hindi pa naman alam talaga ng daddy ko
dahil kahit ang mga pinsan ko, alam naman nilang hindi ko pa boyfriend si
Dino, kaya wala ring sinasabi sa kanya nang bumalik sila sa States."
Ano naman ang alam ng daddy niya tungkol kay Dino?
"Siguro, iyong baka may iba rin siyang nililigawan. Pero ang alam
ko naman ngayon, wala siyang nililigawang iba bukod sa akin. Ang
panliligaw naman sa akin ni Dino ngayon, hindi pormal kumbaga. Ito iyong
panliligaw na pa-cute pa, dahil alam naman namin pareho na hindi pa nga
puwede. Iyong pormal na ligaw na sinasabi ko, ito na iyong panliligaw na
alam na ng parent namin. Sana nandoon pa rin si Dino kung dumating na ang
oras na iyon. Maghihintay daw si Dino kung dumating na ang oras na iyon.
Maghihintay daw si Dinong hanggang five o seven years pa.
"Sana, alam mo ang sarap pakinggan pero minsan, hindi mo alam,
hindi naman pala totoo."
Hindi rin ba siya naiinip na maging totoo na ang relasyon nila ni
Dino?
"Minsan, naiisip ko rin, kahit alam mong bawal, pero naiisip ko
pa rin ang career ko at pagaaral ko. Mas kailangan iyong ngayon kaysa
lovelife. Sabi nga niya makapaghihintay siya, di hintayin na lamang natin
ng time na iyon na puwede na."
Nagseselos din ba siya kung nakikita niyang may kausap na ibang
babae si Dino?
"Kung minsan pero sandali lamang naman ang tampuhan naming iyon,"
wakas ni Kim.
ni Nora Calderon
ng Teen Movie Magazine
Lagi nang magandang topic na pag-usapan kay DINO GUEVARRA ay ang
panliligaw niya sa ka-loveteam niya sa soon to be shown Honey, My Love,
So Sweet ng Viva Films. Kaya nang dalawin naman ang taping nila sa
TGIS ay nakasalampak kaming nakipagkwentuhan kay Dino.
Kamusta na ba ang relasyon nila ngayon ni KIM DE LOS SANTOS?
Getting there, not almost there, daddy is coming," nagbibirong wika ni
Dino. "Seriously, talagang ninenerbyos ako sa pagdating ng Daddy ni kim
dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya kung malalaman ng
daddy niya na may nanliligaw na sa kanyang anak. Hindi kase alam ito ng
daddy niya. Kaya siguro, ang mangyayari, magpapakita lamang ako sandali
kay Kim sa graduation niya, iyong hindi makikita ng daddy niya at
pagkatapos, aalis na ako. Siguro naman maiintindihan ako ni Kim, " unang
sabi ni Dino.
Kung hindi alam ng daddy ni Kim ang tungkol sa kanyang panliligaw,
ang daddy naman ni Dino ay inaapura siyang maging girlfriend na niyo si
Kim.
"Alam niya na hindi pa kamni ni Kim kaya sabi niya, ang tagal
naman daw, mukha raw mahina akong dumiskarte kaya ang sabi ko sa kanya
hindi niya kasi ako tinuturuan. Boto sila, both my dad ang mom, kay Kim,
Alam na rin kasi ng mommy ko nang minsang nagkita kami."
Paano siya ipakikilala ni Kim sa daddy niyo?
"Gusto ko talagang makilala ako ng daddy ni Kim kapa nakilala na
niya ako nang lubusan, baka sabihin niya kay Kim na ako dapat ang talagang
maging boyfriend niya, igigimik ko yon, dadalhin ko ng mga pagkain
magpapaimpress talaga ako sa kanya. Gusto ko talagang malalaman kung
papayag siyang ligawan ko si Kim at handa naman akong maghintay kung
kailan ako sasagutin ni Kim, kahit lima o pitong taon pa."
Gaano na ba niya kakilala si Kim? Sa tingin kasi naman mahihirapan
nang ihiwalay si Dino kay Kim dahil halatang-halatang mahal niya ang
kaloveteam.
"Actually, one year na rin kaming magkakilala ni Kim pero nine
months na kaming magkaloveteam. Basta sa simula pa lamang, magaan na agad
ang loob ko sa kanya at hindi nga ba sabi ko noon pa, na parang love at
first sight ang nangyari sa akin kaya lamang that time, sila pa ni
DINGDONG DANTES ang magkatambal sa TGIS nang pumasok ako sa
show kaya hindi ako agad nakadiskarte. Kinausap ko pa noon si Dingdong
dahil baka nanliligaw siya kay Kim that time at baka nakasira ako sa
team-up nila.
"Iyon, nang magsimula akong manligaw sa kanya noong June, lalong
gumaan ang loob ko sa kanya, lagi ko siyang hinahanaphanap. Kapag iyong
nagti-taping ako nan wala siya, gusto kong lagi kaming magkauap, sandali
lamang namimiss ko na siya talaga. Like, hindi ko siya kasama sa SOP
maliban kung maggi-guest siya sa Goin' Bayabas, sa shooting na wala
siya. "It is lone" na kulang na lamang ang "yes" niya.
Hanggang kailan na siya makakapaghintay?
"Hindi ako maiinip, maganda itong nangyari sa amin na naging
magkaibigan muna kami ni Kim.
Makakapaghintay ba siya talaga ng five years bago sagutin ni Kim?
"Oo, siyempre, ganoon ko kamahal si kim. Kung napagkakamalan
kaming mag-sweetheart, hindi totoo iyon, basta what you see is what you
get. Maganda ang reyasyon namin, pero wala pa iyong naghahalikan kami,
kahit iyong naghahalikan kami, kahit iyong smack sa lips, wala pa talaga.
Totoo ang sinasabi ko, hindi naman namin itinatago ni Kim ang relasyon
namin. Open kami dahil totoo naman ang panliligaw ko sa kanya at hindi rin
naman niya inililihim na i have a special place in her heart."
Nagkatampuhan na ba sila nang matagal ni Kim?
"Madalas na nagkakatampuhan kame, marami beses na usually sa
maraming guys na kinakausap siya o ako na kinakausap ng mga girls. Minsan
kapag may nakita siyang kausap ko sasabihin na niya agad sa akin, sino raw
ang kausap ko, sasabihin na niya agad sa akin, sino raw ang kausap ko
hindi na raw talaga ako makapaghintay, pero alam ko, nagseselos lang
siya," pagtatapos ni Dino.
ni Nora Calderon
ng Teen Movie Magazine
Graduating this years si KIM DE LOS SANTOS at darating
ang kanyang daddy para saksihan ang kanyang anak sa pagtanggap ng kanyang
diploma.
May kaba sa dibdib ni Kim. Ipapakilala niya sa kanyang daddy si
DINO GUEVARRA na nanliligaw sa kanya, Nangangamba siya sa magiging
reaksyon daw ng kanyang daddy kapag nalaman nitong may manliligaw na si
Kim. Although, alam na raw ng aktres kung ano ang kanyang isasagot kapag
nagtanong ang kanyang daddy.
Hindi ikinakaila ni Kim na malapit na malapit na niyang sagutin si
Dino. Kung kailan, hindi pa matiyak sa amin ni Kim. Tulad ng madalas
niyang sabihin, abangan na lang daw namin. May pahiwatig ang dalaga na
unti-unti nang nahuhulog ang loob niya kay Dino at ayaw din niyang
paniwalaan yung intrigang sasaktan sa paluluhain lang siya ng manliligaw
sakaling sagutin na niya ito. Playboy daw kasi si Dino at natatakot ang
mga fans ni Kim na baka mangyari nga ito.
Ayon kay Kim, malaki ang tiwala niya kay Dino. Kung may mga
tsismis daw na ganyan, hindi na lang niya pinapansin. Naniniwala si Kim na
sincere si Dino sa panliligaw sa kanya. On the other hand, nagtapat si
Dino sa amin na nakasentro ang panahon at isipan niya kay Kim. He's
willing to wait kahit na raw umabot pa ng limang taon ang panunuyo niya
sa dalaga. Ang tanong: Makapaghintay kaya si Dino?
We'll Just wait and see!
agdeadmahan pala sina ANTOINETTE TAUS
at KIM DE LOS SANTOS noong presscon ng Honey, My Love, So Sweet
dahil saisang insidenteng nangyari sa taping ng TGIS last week. Kung
minsan kasi, mahirap talagang may mga fans na nasa set ng taping o
shooting kaya dahil konting may marinig lang sila na sinabi ng isa ay
pararatinggin na sa concerned at kung basta nga paniniwalaan ay
magkakaroon talaga ng away.
Nag-dialogue raw kase si Kim na kapag ready na si DINGDONG
DANTESsa eksena nila ay ipatawag na lamang siya. Nagkataong magkausap
daw naman sina Toni at Dingdong sa van ni Toni at pinarating agad sa kanya
na nagagalit si Kim kaya sinugod ni Toni si Kim. bago kasi ang insidenteng
iyon, may nangyari na ring isa pang insidente sa dalawa na ayaw na lamang
naming isulat pa.Mabuti na nga raw lamang at naawat ang dalawa bago pa
lumala ang away at hindi rin nakasali sino Dingdong at Dino sa away ng
dalawa nilang ka-loveteam (girlfriend?)
Wala na sa TGIS si Toni, pero nandoon siya dahil kinunan ang
MTV nila para sa promo ng Honey, My Love, So Sweet na dinirek ni
Boots Palata at sowing na sa April 3, Holy Saturday.
ni Nora Calderon
ng Teen Movie Magzine
Remembering Graduation.....
"Nung elementary ako, may isang lalaki na kinukulit talaga ako
palagi, I thought dahil graduation day namin ay patatawarin na niya ako,
pero hindi pala. Nagulat na lang ako nang gumawa siya n g gimik sa mismong
graduation namin. During the program, inilagay niya sa acetate paper yung
wods na "I love you, kim" at inilagay niya yun sa overhead projector.
Hiyang-Hiya ako kasi nabasa lahat ng mga tao yun. Nakakahiya talaga."
Kim De Los Santos
N akakatuwang kausapin ang young star na si DINO GUEVARRA.
Wala siyang kiyeme kung magsalita. Direct to the point siya at sinasabi
niya kung ano ang nasa utak niya. Tulad na lang ng kanyang protesta sa
pagkakahuli ng billing nila ni KIM DE LOS SANTOS sa pelikulang
Honey, My Love So Sweet. Sa pakiwari niya raw kase, ang love team
nilang dalawa ni Kim ang pinakamalakas sa tatlong love team na kasama sa
pelikula. Kesyo sila raw ang pinakamaraming fans.
Kaya't kung sakaling mag-flop daw ang pelikula, huwag sila ang
sisishin ni Kim dahil pangatlo lang sila sa billing! O di ba nakakaloka?
May Ideya pa si Dino na sana'y dumating ang panahon na gumawa ang
tatlong love teams ng kani-kanilang pelikula at sabay-sabay itong ipalabas
para magkaalaman talaga kung ano ang pinakamalakas sa tatlo.
May statement din si Dino na kesyo on camera raw ay super sweet si
Kim for the sake of the fans. Kung off camera raw ay behave na silang
dalawa ni Kim dahil hindi naman daw sila nagpapadala sa kani-kanilang mga
damdamin. Wala naman daw siyang pinatatamaan na ibang love teams.
Ngayon wala na si ANTOINETTE TAUS sa TGIS ay nawalan ng
kapareha si DINGDONG DANTES. Ang mangyayari ngayon ay ili-link si Kim kay
"Iñaki" tulad ng original na storyline ng show. Kaya magkakaroon ng
triangle ngayon between Kim, Dingdong at Dino. O di ba masaya?
Wala naman sigurong dapat ika-insecure si Toni kay Kim dahil
obvious naman na sina Kim at Dino na ngayon. Heta nga't nakatakdang
ipakilala nang promal ni Kim si Dino sa kanyang erpat na dadalo sa kanyang
graduation this month. Napag-alaman pa naming dinadalaw pala ni Kim si
Dino sa set ng Goin' Bayabas sa Channel 13 at nagdala pa ito ng
banana cue bilang pasalubong sa dalaga.
In the same manner, wala rin dapat ika-insecure si Dino kay
Dingdong dahil mas malaki naman daw siya kay Dingdong dahil Australyano
siya. Super frank talaga si Dino. Huh!
Ni Tonee Coraza
ng MovieStar Magazine
UMUULAN-ULAN sa La Mesa Dam, ang location taping ng TGIS
na dinalaw namin. Para bang nakikisama sa kalungkutan ng eksenang kinukuha
ni Direk Dominic Zapata? Nagulat nga kami nang lumapit si KIM DE LOS
SANTOS kay Direk at nag apologize dahil tumulo raw ang luha niya sa eksena
nila na hindi dapat.
Iyon pala, ang eksena ay maiiwanan sa probinsya si Dino at sila
lamang ni DINGDONG DANTES ang babalik ng Maynila. Sort of magkakaroon ng
love triangle sa kanila sa show. Ang totoo pala, sinabi ni Dino kay Kim na
ipu-pull out siya ng manager niya sa TGISkaya parang inihahanda na
ang story sa pagkawala nga ni Dino sa show. Iyon nga raw ang nasa isip
niya kaya kahit hindi dapat, tumulo ang luha niya dahil hindi niya
napigilan. Parang hindi raw niya ma-take na after a year, si Dino naman
ang mawawala sa show.
Hindi kaya ibig sabihin noon ay mahal na niya talaga si Dino kaya
bigla siyang naiyak sa eksena dahil parang totoo?
"Ayaw ko namang maging plastik pero alam mo siguro ang feeling na
ganoon na pagkatapos nga ng isang taon na lagi kayong magkasama, bigla na
lamang siyang mawawala sa show," sabi ni Kim. "Ganoon ang takbo ng story
ngayon dahil may nagsabi raw kay Direk Dominic na paalis si Dino at two
months siya sa Australia, kasama ng Dadd niya. Tapos nga nalaman ko pang
ipupullout siya ng kanyang manager, kaya lalo akong nalungkot."
Pero mali naman pala ang balita at ewan lamang kung babaguhin na
ni Direk Dominic ang story ng show. Malalaman natin pero definite nang
magkakaroon ng love triangle sa kanilang tatlo nina Dino at Dingdong kaya
hindi inalis sa story iyong may mga times na hindi puwedeng hindi magselos
si Dino sa eksena dahil nakikita niyang may pagtingin pa rin si Kim kay
Dingdong dahil nga sila naman talaga noong una, bago sina Dingdong at
Antionette Taus. Kung mahal na ni Kim si Dino, paano kung sa pagdating ng
Daddy niya (nag-attend ng graduation niya noond March 28 sa Sunny Hill
Learning Center) ay pagbawalan siyang makipagboyfriend dahil bata pa siya.
"Hindi pa naman niya kilala si Dino at ayaw niya talagang
magka-boyfriend ako. Kahit nga ligawan ako ayaw niya dahil baka raw
pagkatapos ng mga paghihirap ko, hindi pa ako makatapos ng pagaaral dahil
nga may boy-friend ako. Siyempre sa pressure ng trabaho ko t nagaaral pa
ako, natatakot siyang baka wala ring mangyari kung sasabayan ko pa ng
pakikipagboyfriend. Pero hindi ko pa rin alam kung paano ko nga siya
ipapakilala sa daddy ko."
Sabi namin kay Kim natatakot din si Dino sa pagdating ng Daddy
niya dahil hindi nga nito alam kung paano siya tatanggapin ng Daddy niya.
"Hindi ko rin alam kung paano ko siya ipakikilala, but i'm sure
may alam na rin si Daddy dahil nakikita niya iyong mga pictures namin na
nakakarating sa States. Hihintayin ko na lamang siguro kung tatanungin
niya ako tungkol kay Dino."
Excited si Kim sa pagdating ng Daddy niya at malamang daw na hindi
man magtagal dito ang ama na one and half years din niyang hindi nakita.
baka pagusapan na rin nila ang business na gusto nitong ilagay para sa
kanya. Malamang daw na pumunta sila ng Daddy niya sa Calapan, Mindoro sa
bahay ng kanyang yaya, si Nanay Beth dahil gusto yata ng Daddy niya ay
iyung buy and sell ng bigas na pamamahalaan ng mga parents ng kanyang yaya.
"May itinayo na akong beauty parlor malapit sa bahay ko at dala
nito ang pangalan ko. KIM DE LOS SANTOS. Mayroon na rin akong tiningnang
lugar sa Calapan, malapit sa school doon. Mayroon na akong nakuhang
mamamahala roon at paminsan-minsan, puwede kong bisitahin, o magpapadala
ako roon ng tao na titingin kung ano ang kulang sa mga gamit ng parlor at
titignan din kung okay naman ang business."
It seems na naghahanda na rin sa buhay niya si Kim.
"Oo naman. Siguro naman sa tagal ko na rin sa showbiz, dapat na
akong magisip ng business dahil hindi na man forever itong pagaartista.
Hindi pa naman ako nakakaipon ng milyon dahil akin lahat ang gastos at
hindi ako umaasa sa daddy ko. Lately na lang na tumatanggap ako ng
ipinapadala niya dahil medyo nga mahirap na ang pagsabayin ko ang
pagtratrabaho at pagaaral.
"Pangarap ko rin kasing makabili ng sariling bahay pero gusto ko'y
galing lahat iyon sa maghihirap ko. Kaya kung nagaartista ako't may
business pa, makakatulong iyon para matupad ko ang pangarap kong sariling
bahay. Kahit pa sabihing may kaya ang magiging asawa ko halimbawa, iba na
rin iyong nakabili ka ng sarili mong bahay mula sa paghihirap mo."
Ni Nora Calderon
ng MovieStar
|MoRe ArTiClEs|
©KîMênDîNô 1999